Home » Entertainment » LoiNie, excited na!

LoiNie, excited na!

 

BY ROWENA AGILADA

 

*

timing tmg tg

 

SA online show na “I Feel U,” sinabi ni Ronnie Alonte na napag-uusapan na nila ni Loisa Andalio ang pagpapakasal. Three years na sila together as LoiNie at sure na si Ronnie na si Loisa ang pakakasalan niya.

Iniisip na niya ang future nilang dalawa, ang pagbuo ng sariling pamilya. Excited na raw siya na magkasama na sila ni Loisa sa isang bahay.

RONNIE Alonte and Loisa Andalio (IG)

RONNIE Alonte and Loisa Andalio (IG)

Nag-post pa si Ronnie sa socmed ng photo nila ni Loisa na nakatingin sila sa isang bahay na ang caption ay isang house emoji.  Pahiwatig kaya ‘yun na nagpaplano na silang bumili ng kanilang future love nest?

Itinanggi ni Loisa na nagli-live-in na sila ni Ronnie. Sa Laguna nakatira si Ronnie at siya naman ay sa Cavite.

MISS NA

DANIEL Padilla and Kathryn Bernardo  (IG)

DANIEL Padilla and Kathryn Bernardo (IG)

Nami-miss na nila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang mag-beach.  Ani Kathryn, kapag natapos na  ang Covid-19 pandemic,  unang gagawin nila’y magpunta sa beach. Eh, para namang wala nang katapusan ang pesteng pandemic.

Sa Facebook Live interview ng “Pantawid ng Pag-ibig” ng ABS-CBN, sinabi naman ni Daniel na nami-miss niya ang pagkain nila sa labas ni Kathryn.

comments