Home » Entertainment » Kris, tuloy ang show sa TV5

Kris, tuloy ang show sa TV5

 

By MELL T. NAVARRO

 

*

 

Mouthful box

Makalipas ang ilang taong “pagpapahinga” sa pagho-host ng isang regular TV show, handang-handa na si Kris Aquino at ang Positive Exposure Productions for her grand comeback—on TV5.

“Love Life With Kris” ay isang weekly talk show with stories of hope and human interest as main slant.

Naganap na ang contract signing ni Kris and her management sa blocktime producer ng show, pati na ng network. Nakapag-pictorial na rin siya for the show.

Ang nasabing production ang same team na nag-produce ng “Thanks God It’s The Weekend,” isang travel show ni Maggie Wilson na umere sa CNN Philippines noong 2019.

Si Pertee Briñas, one of the creators of Maggie’s show, ang Executive Producer ng new show ni Kris.

KRIS Aquino (IG)

KRIS Aquino (IG)

Tuwing Sabado nang hapon, 5 p.m. to 6 p.m., ang timeslot ng “Love Life With Kris.”

As of press time ay inaayos pa ang mga detalye kung Aug. 15 or Aug. 22 ang pilot episode nito, with Gab Valenciano, anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan, as the show’s director.

Matatandaang for a few years ay nag-focus ang TV5 sa sports and news programs, pero ngayong mid-2020 ay bubuhaying muli ng Kapatid network ang kanilang line-up of entertainment shows, kabilang na dito ang “Bangon Talentadong Pinoy” ni Ryan Agoncillo.

Marami pa ring followers ni Kris ang excited sa comeback show ng kanilang idol – na nahinto dahil sa personal matters and health concerns.

Ngunit dahil nagustuhan ni Kris ang concept ng “Love Life With Kris” (after consulting her sisters and trusted friends) — at eere sa major network na TV5 — ay sa wakas, napapayag na siya to make this much-awaited comeback.

Welcome back to the “Queen of All Media” where she excels most – hosting on television!

comments