Home » Entertainment » Barbie, excited na mag-taping uli

Barbie, excited na mag-taping uli

 

BY ROWENA AGILADA

 

*timing tmg tg

 

Malapit na ring mag-resume ng taping ang “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.” Ayon kay Barbie Forteza, nag-mi-meeting na ang cast at production staff.

May guidelines at safety protocols na ang GMA Network. Excited na si Barbie mag-balik-taping na aniya, na-miss niya ang pag-arte sa harap ng kamera, pati ang co-workers niya sa ANWANB.

Birthday ni Barbie last July 31 at 23 years old na siya.  Na-sorpresa siya sa ipinadalang birthday cake ng co-star niyang si Kate Valdez. Kung sa ANWANB ay magkaaway sila, off-camera ay friends sila. Excited na rin si Kate magbalik-taping.

BARBIE Forteza

BARBIE Forteza

Siyempre, hindi nakalimot ang boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto na batiin siya noong nakaraang birthday niya. Sa bahay lang nila nag-celebrate si Barbie with her family at si Jak lang ang bisita niya na may dalang bouquet of flowers.

Birthday wish ni Barbie ay mawala na ang COVID-19 at mabalik na sa dating normal ang lahat.

 

SUSUBUKAN

Malapit na ring mag-taping ng kanilang bagong teleserye sina Julia Barretto, Loisa Andalio at Barbie Imperial. Titled “Cara Y Cruz,” leading men nila sina Tony Labrusca, Ronnie Alonte at Marco Gumabao.

TONY Labrusca (FB)

TONY Labrusca (FB)

JULIA Barretto (IG)

JULIA Barretto (IG)

Susubukan ang bagong tambalan nina Julia at Tony. Tanggapin kaya tulad ng tambalan noon nina Julia at Joshua Garcia?

Mapapanood ang “Cara Y Cruz” sa Kapamilya channel. Parang hindi naman nagsara ang ABS-CBN dahil patuloy pa ring napapanood ang mga teleserye ng Kapamilya stars.  May mga bago pang drama series na mapapanood sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at

Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Ayon kay Ms. Cory Vidanes, chief operating officer of broadcast ng ABS-CBN, ang Kapamilya Online Live ay isa lamang sa mga paraan para makapaghatid ng entertainment sa kabila ng pagtanggi sa application ng kanilang prangkisa.

 

comments