Home » Entertainment » Jak Roberto, photographer na rin

Jak Roberto, photographer na rin

By RUEL J. MENDOZA

 

Habang wala pang lock-in taping, may bagong pinagkaka-abalahan ang Kapuso Hunk na si Jak Roberto at ito ay ang photography.

Nagsimula raw ang hilig ni Jak sa photography noong magkaroon ng lockdown last year.

Dahil siya rin ang cameraman at editor ng kanyang YouTube vlog, pinag-aralan na rin niya ang photography.

Dahil sa magagandang kuha ni Jak, siya na ang pinaasikaso ng GMA Artist Center para sa artist portfolio nila.

Una niyang ginawan ng at-home photo shoot ay ang kapatid na si Sanya Lopez. Sumunod ay ang kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.

Heto ang kuwento ni Barbie sa kanyang YouTube vlog:

“Magshu-shoot kami today for our folio for GMA. Since pandemic nga po, hindi kami pwedeng masyadong madami sa studio so they opted to let us shoot na lang ourselves at home para mas safe nga naman.

“I’m pretty excited about this kasi creative ang aking mahal, so siya na ang bahala sa’kin. Super happy ako kasi we get to play with the layouts and the looks pero hindi naman super play, andoon pa rin naman si Barbie.

“Well… challenging, especially sa part mo kasi ikaw lahat. Pero masaya kasi wala tayong rules, alam mo ‘yon? May layouts pero tayo pa rin ‘yung nasusunod.”

comments