By RUEL J. MENDOZA
MARAMI pa raw gustong malaman si Janine Gutierrez sa nali-link sa kanyang si Rayver Cruz.
Kaya sa mga nagse-speculate na may relasyon na sila, pinabulaanan iyon ng aktres.
“Hindi pa po kami talaga. We’re just very close right now. We’re not exclusively dating po.
“I know na sasabihin nila na very showbiz ang sagot ko, pero ‘yun po ang totoo.
“Rayver knows na hindi pa ako ready and he respects what I want.
“Marami pa po tayong work na gagawin kaya hindi po priority ang lovelife,” diin pa ni Janine na kasama sa cast ng pelikulang “Spirit of the Glass 2: The Haunted.”
Usap-usapan ang paglipad ni Janine to Bali, Indonesia para makadalo sa birthday ni Rayver doon.
Ayon kay Janine: “Hindi po ako nag-promise kay Rayver na makakapunta ako. But naging maayos naman ang lahat ng commitments ko, kaya I was able to make it to Bali on his birthday.
“May mga nagsabi na it was fate na nakarating ako. Kasi anything can happen, ‘di ba? Baka ma-delay ang flight ko or ma-cancel because of the weather. Pero naging smooth sailing naman po ang lahat kaya I was able to be there,” ngiti pa niya.
Biniro si Janine na baka sa kanila na ni Rayver matuloy ang pag-iisang dibdib ng Aunor at Cruz.
In the past ay hindi nagkatuluyan ang Lola Guy (Nora Aunor) at ang Tito Pip (Tirso Cruz III) ni Rayver.
Naudlot din ang pagmamahalan ng Tito Ian de Leon ni Janine at ng pinsan ni Rayver na si Donna Cruz.
Baka sa ikatlong pagkakataon na ito ay baka matuloy na ang pagsasama na ito ng dalawang showbiz families.
“I am not closing any doors naman po sa isang possible na relationship. But for now, magpakitang-gilas muna si Rayver kay Papa (Ramon Christopher)!
“Kay Mama (Lotlot de Leon) kasi, okey na siya, eh. ‘Yung ibang members na lang ng family ko ang kailangang ma-impress ni Rayver,” pagtapos pa ni Janine Gutierrez.