By Robert R. Requintina
Inamin ng Kapamilya actor na si Ejay Falcon na nagkakaroon din sila ng problema ng kanyang girlfriend na si Jana Roxas pero hindi ito dahilan para mag-hiwalay na sila ng landas.
“Masaya kami. Siguro part ng journey yung nag-aaway kayo. And ‘yun yung magpapatibay sa inyo,” ayon kay Falcon matapos na siya ay makapanayam sa “Tonight With Boy Abunda” sa ABS CBN.
“So ngayon, masasabi ko naman na masaya ang aming mga puso,” dagdag pa ni Falcon.
Halos dalawang taon ng magkarelasyon sila Falcon at Roxas, dating contestant ng reality show na “Starstruck” sa GMA 7.
Dagdag pa ni Falcon na tanggap na silang dalawa ni Roxas ng kani-kanilang pamilya.
Ilang araw naman ang nakakaraan at nag-emote si Roxas sa kanyang Instagram account.
“So much stuff going around my head…Hmmmm…Ang dami dami ko na pala pinagdaanan sa buhay ko. Masaya man o Malungkot, but hey I’m still here ready to face all the trials and beautiful things coming my way;
“One of the lessons I learned is that never let others bring you down and let you feel unwanted because we are all worthy and created in the image and likeness of God. Lagi natin tandaan yan;
“Ang sarap sarap pala talaga mabuhay! If there’s someone that wants to knock you down and judge you, ito lang sabihin nyo ‘Who are you?’ I’ll keep doing what I’m doing because I know in my heart I’m doing the right thing and continue being a blessing to everyone,” ayon kay Roxas.