By Kate Javier
Isang babae na umano’y tulak ng droga ang naaresto sa isang anti-illegal drug operation sa Caloocan City noong Lunes ng hapon.
Ikinasa ng mga tauhan ng city drug enforcement unit na pimumunuan ni Senior Inspector Cecilio Tomas ang isang buy-bust operation laban kay Avy Esteban, 30, ng Millionaire Street, Barangay 8, base sa isang intelligence report na nagdadawit sa kaniya sa illegal drug trade sa kanilang lugar.
Inamin ni Esteban na nagbebenta siya ng illegal drugs ngunit hindi siya kasama sa drug watchlist, ayon kay case investigator PO1 juan Miguel Madlangbayan.
Dakong 5 p.m., dinakip si Esteban sa tapat ng kaniyang bahay matapos niyang iabot sa isang undercover cop ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P200.
Tatlo pang plastic sachet ng shabu ang na-recover sa kaniya ng police.