BY DELIA CUARESMA
*
*
NAISIPAN daw ni Angelica PanganiĀban na tumigil na sa showbiz dahil sa pinakahuli niyang pinagdaanan.
Hindi binanggit ni Angelica kung ano ito nguniāt alam naman ng lahat ang naging sigalot nila ni Carlo Aquino.
Kuwento niya sa āMagandang Buhay,ā āAng nangyari sa ākin noon, gusto ko nang mag-quit at ayoko nang mag-artista. Parang naisip ko, āOkay na ako.ā Parang napakasakit nitong huling nangyari sa akin, parang ayoko ulit magĀpalagay sa ganoong sitwasyon.ā
Nahimasmasan lang daw siya noong nakapagbakasyon siya abroad.
āFeeling ko nung umalis ako, nakaĀpagpahinga ako, nakapag-isip-isip ako.
Doon ko na-let go yung kahit hindi mo siya matanggap na nangyari siya saāyo, kahit papaano, na-let go.ā
Marami rin ang tumulong sa kanya at nagbigay payo pero aniya, āIkaw lang ang makakagawa ang tutulong noon sa sarili mo kahit anong sabihin talaga ng mga tao. Pu-push nila saāyo na, āTara, dito tayoā or āeto gawin mo, ganyanā¦ā Ikaw pa rin naman ang masusunod, e. Ikaw pa rin ang may hawak ng mga desisyon kung ano yung gusto mong maramdaman.ā
Ito ang dahilan kung bakit itinuĀloy niya ang career.
āNa-realize ko, āBakit ako ti-tigil? Bakit ako yung mahihiya, wala akong ginawa?ā Okay ako, nananahimik ako dito, may dumatĀing sa buhay ko and kailangan kong ituloy ang buhay ko. Hindi kailangan ako yung ma-depress. Kailangan ko siyang labanan.
āDoon mo mari-realize kung gaano ka talaga na-put down nung problema mo, kasi kinaya mo halos talikuran ang trabaho mo dahil doon sa pain, dahil doon sa trauma, di ba? Di niya deserve. Bakit ko ibibigay yung ganong paĀkiramdam sa kanila na parang ako yung natalo.ā
Oo nga naman.