BY DANTE LAGANA
—–
KAKAIBA ang karanasan ni Precious Lara Quigaman-Alcaraz nang magpamasahe ito kamakailan.
Akala daw niya ay talagang hard massage ang binibigay na serĀbisyo ng tagamaĀsahe sa kanya dahil may punĀtong nasasaktan na siya.
Kwento pa niya, āActually soĀbrang nakakataĀwa…napasakit…sabi ko, āAte aray, aray ang sakit! Pabawas ng kaunti.ā Sabi niya, āDahil yan sa pagpatay mo kay Fabio.ā Sabi ko sorry na.ā
Si Fabio ay ang aktor na si Miko Raval. Nangyari ang āpatayanā sa sikat na seryeng āThe Killer Brideā kung saan kontrabida ang character ni Lara.
Obvious na maganda ang trabahong nagawa ni Lara, diba? Pati masahista niya nainis sa kanya!
Siyempre pa sobrang thankful si Lara sa opportunity na ito.
Matagal na nga daw niyang gusto guĀmawa ng kontrabida role dahil kadalasan ang mga nakuĀkuha niyang role api-apihan.
Masaya si Lara sa piling ng kanĀyang asawang si Marco Alcaraz pero inamin niya na may ācrushesā pa rin siya lalo na sa showbiz.
Ang pinaka sa mga ito ay walang iba kung hindi si Piolo Pascual.
Biro pa niya kay Marco, āKasama nga yan sa vows ko nung kasal namin. I asked God for Piolo Pascual pero ikaw (Marco Alcaraz) ang binigay Niya.ā
Ang gusto raw niya kay Piolo ay parati itong mabango. Dahil bangong bango si Lara kay Papa P hinanap daw ni Marco ang pabangong ginagamit Piolo.
Sobrang na-appreciate naman ni Lara ang effort ng kanyang loving husband.