BY ROWENA AGILADA
*
DEDMA lang si Angel Locsin sa bodyshaming na natangĀgap mula sa bashers.
Aniya, hindi isyu sa kanya ang pag-gain niya ng weight.
Obvious ang katabaan ni Angel sa latest photos niya na lumabas sa social media.
Kuha ito sa Mauban, QueĀzon kung saan nag-taping siya para sa bago niyang talk show.
Inakala ng ibang netizens na buntis si Angel.
Ang iba naman ang sabi epekto ito ng steroids na tine-take ng dalaga para sa injury niya.
May mga nagsabi namang napabayaan ni Angel ang kanyang katawan dahil sobrang naging abala ito sa pagtulong sa mga apektado ng pandemic.
Kung ano man ang dahilan, mas mainam na purihin pa rin si Angel dahil sa kanyang pagiging matulungin sa kaĀpuwa.
So what kung mataba siya?
ITINANGGI
Nag-react ang motorcycle vlogger na si Ma. Rica CobĀbarubias sa isyung siya ang bagong apple of the eye ni John Lloyd Cruz.
Nagkasama sa isang event ang dalawa at naipost ng huli sa socmed ang kanilang photo na magkaterno ang suot nila.
Binigyang-kulay agad ito ng mga di masyadong abala na mga netizens.
Banas na nag-react dito si Rica: āNagkasama lang, jowa agad?ā
Well…
KINUKULIT
Si Kakie Pangilinan naman ang kinukulit ni Sharon CunĀeta na bigyan siya ng apo.
Nainip na nga ang Megastar sa kahihintay na mabigyan siya ng apo ni KC ConcepĀcion.
Okay lang kay Sharon na mag-asawa na ang panganay nila ni Senator Kiko PangĀilinan.
Kaya lang, wala namang boyfriend si Kakie.