BY RICA CRUZ
*
Hi Doc Rica,
Sabi po ng girlfriend ko, kapag nagkita kami gusto niya po ma-finger. Virgin pa po kami pareho. May mga advice po ba kayo kung paano siya mag-o-orgasm?
Excited Finger
Hello Excited Finger,
Wow! Ang exciting naman ng mangyayari kapag nagkita na ulit kayo ng iyong girlfriend! Madaming paraan for a woman to orgasm gamit ang fingers. Pero hindi niya ito mararating kung hindi siya aroused at the moment. So bago mo siya i-finger, importante na painitin mo muna ang kaniyang katawan through different kinds of foreplay. Pwede mo siya halikan at hawakan sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan.
Siguraduhin mo rin na bago mo siya i-finger ay malinis ang iyong mga kamay at daliri. Siyempre, kailangan ay maghugas ka muna maigi ng iyong kamay bago mo siya hawakan. Also, importante din na maramdaman mo na siya ay well lubricated sa kaniyang vagina. Otherwise, pwede siyang masaktan at magkasugat.
Kapag hahawakan mo na ang kaniyang genital region, pwede mo laru-laruin ang panlabas na genitalia o kaniyang labia. Pero para masarapan siya and to have a more chance of getting an orgasm, kailangan ay mag-focus ka sa kaniyang clitoris. Ang clitoris ay isang maliit na parte ng panlabas na genitalia ng mga babae na parang mani. Usually, ang mga babae ay nag-o-orgasm kapag na-i-stimulate ang clitoris.
Aside from the clitoris, pwede mo ring i-stimulate ang vagina ng iyong girlfriend by inserting your finger in her vagina. Ipagsabay mo na laruin ang kaniyang clitoris habang nakapasok ang iyong finger sa loob ng kaniyang vagina in a “come hither” position. Pero, bago mo ito gawin, kailangan ay kumportable ang iyong girlfriend para siya ay masarapan. Importante din na gawin niyo ito nang dahan-dahan at huwag masyadong excited dahil pwede ito maka-cause ng sugat at magpataas ng risk ng infection.
Sa ngayon, ito muna ang mga pwede mo gawin. Pero, siguraduhin niyong dalawa na ready na kayo sa ganitong klase ng relasyon bago niyo ito pasukin (literally at figuratively).
Always be safe in more ways than one!
With love and lust,
Doc Rica
*
Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Sex and Relationships Therapist, and Sex Educator. Follow her at facebook.com/TheSexyMind and @_ricacruz in Twitter and IG.