BY ROWENA AGILADA
*
NAGBAGO na kaya ang ihip ng hangin?
Kung noon ay sobrang istrikto ang pamunuan ng ABS-CBN sa exclusivity ng kanilang mga talents, as in, bawal ang mga itong lumabas sa ibang networks, well, iba na daw ngayon.
Diumano’y pinayagan na nito ang kanilang mga talents na lumabas sa ibang networks, basta magpaalam lang.
Pati raw ‘yung may mga guaranteed contract na artista nila’y malaya na ring maghanap ng ibang trabaho since patuloy pa rin nga ang problema nila sa prangkisa.
Ang isang example daw nito ay si Pokwang na lumabas na sa “Eat Bulaga” kamakailan.
Sinu-sino kaya sa Kapamilya prime artists ang mag-o-ober da bakod sakaling offeran sila ng GMA7?
Sinu-sino naman ang mananatiling loyal na Kapamilya?
Bumalik kaya sina Angel Locsin, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Richard Gutierrez, Kathryn Bernardo sa GMA7?
What about Vice Ganda, Piolo Pascual, Jericho Rosales, Kim Chiu, Liza Soberano, Daniel Padilla, and Sharon Cuneta? Tumalon kaya sila?
Maganda ito dahil kahit paano makakaraket na ang mga jobless na artista ng ABS-CBN.
Pero ayon sa isang source, malabong mag-ober da bakod si Vice, lalo pa’t iniisip ng ibang tao na baka lumagpak ito sa “Eat Bulaga.”
Tanong ng mga netizens, interesado ba naman ang block timer-producer ng naturang noontime show na Tape Inc. sa kanya?
Isa pa, aprub naman kaya sina Vic Sotto, Joey de Leon at iba pa nilang kasama sa “EB” na makatrabaho si Vice?
Well, abang-abang na lang.