Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Coco is Kris’ choice for ‘Feng Shui’ lead role

Coco is Kris’ choice for ‘Feng Shui’ lead role

Kris Aquino

PERSONAL choice ni Kris Aquino si Coco Martin para makatrabaho sa “Feng Shui,” entry ng Star Cinema sa 2014 Metro Manila Film Festival. Ani Kris sa presscon, napag-alaman niyang sinabi ni Coco sa presscon ng “Juan dela Cruz” na all-time favorite nito ang “Feng Shui.”

Ayon pa kay Kris, tinawagan niya si Biboy Arboleda (Coco’s manager) at tinanong kung seryoso ba ang aktor. Then, tinawagan niya si direk Chito Roño and told him na isama nila sa cast ng “Feng Shui” si Coco.

First time ng aktor gumawa ng horror movie at honored siyang katrabaho niya ang kanyang ate Kris na Reyna ng Horror. First time ring katrabaho ni Coco si direk Chito.

“Noong una, natakot ako kay direk. Hindi kasi pwede ang tatanga-tangang aktor. Mga de-kalidad na pelikula ang ginagawa niya. Baka mapahiya ako,” saad ni Coco.

Ayon naman kay direk Chito, alam niyang magaling na itong aktor, pero nagulat siya sa sobrang pagka-professional ni Coco. “He met my expectations. He delivered well from his heart,” lahad ni direk Chito.

Di natakot, nahiya
Sabi naman ni Kris, “Coco is the best actor. Thank you for sharing your brilliance with me. Gano’n siya kahusay. He is egoless.”

Ayon naman kay Coco, rehearsal pa lang nila’y bigay na bigay na si Kris. Inobserbahan niya ang pag-atake nito sa mga horror scene para makapag-jell siya with her.

“Hindi ako natakot sa kanya, nahiya ako. (Di ko alam kung) paano siya ia-approach,” anang aktor. Noong nagkaroon siya (Coco) ng isyu sa ginawa niyang pagrampa sa Bench fashion show, aniya, si Kris lang ang nag-text sa kanya para alamin kung ano ang maitutulong nito sa kanya.

Ayaw na
Ayaw na talagang makipagbalikan ni Sunshine Cruz sa estranged husband niyang si Cesar Montano. Sa interbyu sa kanya sa radio program ng colleagues naming sina Fernan de Guzman o Ms. F at Mildred Bacud, sinabi ni Sunshine na naka-move on na siya sa hiwalayan nila ni Cesar at totally healed na ang nasaktan niyang puso’t damdamin.

Thankful si Sunshine kay Cesar na binigyan siya nito ng tatlong magagandang anak na pinaghuhugutan niya ng lakas para maging matatag siya. Aniya pa, mas masaya ang buhay niya ngayon.

May mga nagtatangkang manligaw at flattered siya, ani Sunshine. Pero priority niya ang kanyang career at tatlong anak. Under process pa ang annulment case nila ni Cesar at sana raw ay mabilisan na ’yun para totally maging malaya na sila ni Cesar sa isa’t isa.

If ever, magkakaroon siya ng panibagong lovelife, gusto niya’y non-showbiz guy. Sobrang nasaktan daw siya kay Cesar. Ito ang kanyang first love at 13 years silang together as husband and wife. Akala raw niya’y hindi niya makakayang mawala si Cesar at ikamamatay niya ’yun. Sa tulong ng dasal at ng mga taong tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya, nakaya niya.

comments