Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gabbi raves about meeting Karylle

Gabbi raves about meeting Karylle

11gabbi-and-karylle-copy-copy

PINATAY na ang karakter ni Sunshine Dizon sa “Encantadia” bilang Adhara. May bago kasi siyang GMA series kung saan makakasama niya si Gabby Concepcion.

Kontrabida si Adhara at kalaban siya ng mga sang’gre. Kakampi niya si Lila Sari (Diana Zubiri) na kalaunan ay pinagtaksilan siya. Nawalan siya ng kapangyarihan hanggang napatay siya.

Si Lila Sari na ang bagong Reyna ng Lireo nang pakasalan niya si Hagorn (John Arcilla). Hindi matanggap ni Pirena (Glaiza de Castro) na mismong ama niya ang nagpatalsik sa kanyang trono bilang Reyna ng Lireo.

Okey lang kay Sunshine na nawala ang karakter niya sa fantaserye, kapalit ng magandang project na siya ang bida.

Besides, matagal na niyang pinapangarap makatrabaho si Gabby.

Recently nga pala’y nagbakasyon si Gabby sa Bangkok.

Tungkol sa kasong isinampa ni Sunshine laban sa kanyang estranged husband, bahala na raw ang korte magdesisyon. Civil naman silang mag-asawa at pinapayagan ni Sunshine makita ng kanyang estranged husband ang dalawa nilang anak. Pero hindi raw ibig sabihin na nagkabalikan (o magkakabalikan) sila.

Nagkita

Nagkita sina Gabbi Garcia at Karylle sa isang lifestyle event, kaya ganoon nalang ang tuwa ni Gabbi. Si Karylle ang gumanap na Alena sa original “Encantadia” na ginagampanan ngayon ni Gabbi.

Hindi nagkita sina Gabbi at Karylle sa get-together ng “Encantadia” cast kamakailan lang, kaya naman isang precious moment para sa Encantadiks ang personal encounter nila. Nagpa-picture pa together sina Gabbi at Karylle.

Itinuturing ni Gabbi na early birthday gift sa kanya ang pagkikita nila ni Karylle. Turning 18 si Gabbi on Dec. 2.

May debut party kaya?

Samantala, bumalik na ang karakter ni Gabbi sa “Encantadia.” Sa tulong ng kambal-diwa niyang si Agua (Janine Gutierrez), nakabalik si Alena sa dati niyang anyo mula sa pagiging isang pagong. Abangan ang muling pagkikita nina Alena at Ybarro (Ruru Madrid).

Cameo role

Natapos nang i-shoot ni Alden Richards ang mga eksena niya sa “Enteng Kabisote 10: The Abangers.” May cameo role sila ni Maine Mendoza sa naturang entry sa 2016 Metro Manila Film Festival topbilled by Vic Sotto.

Sa Bohol kinunan ang mga eksena nilang tatlo. Inaabangan din ng AlDub fans ang teleseryeng pagtatambalan nina Alden at Maine sa GMA7. Hopefully, early next year ang airing nito.

Sa Dec. 2, pupunta sa Singapore si Alden para mag-host ng Asian Television Awards. May concert naman siya sa Hong Kong on Dec. 18. Then, sa January 2017 sa San Francisco, California, USA.

comments