Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Kaso ng rabies dapat tutukan

Kaso ng rabies dapat tutukan

GENERAL SANTOS City (PIA) – Ibinunyag kamakailan ng Department of Health 12 ang pagtaas ng kaso ng “human rabies” sa rehiyon simula noong 2016 hanggang unang quarter ng 2017.

Ayon kay Dr. Ali Tumama, Infectious Disease Cluster Head ng DoH 12, na sa taong 2016 nagtala ang ahensya ng 17 na kaso ng mga taong nakagat ng hayop na may rabis partikular na ang aso at humigit kumulang sampu ang naitala nitong Enero hanggang Marso 2017 lamang kumpara sa 10 kaso noong 2015.

Sinabi ni Tumama na “napakataas” umano nito kung saan nagpahayag ito ng pagkadismaya sa kakulangan ng kaalaman ng komunidad sa serbisyo ng iba’t-ibang Animal Bite Treatment Center sa buong rehiyon na nagbibigay ng libreng bakuna.

Inamin din nito ang pangangailangan para sa isang intensibong “information drive” upang maipaabot sa kinauukolan ang mga libreng serbisyo ng animal bite treatment center sa rehiyon at ang pinaigting na ordinansya ukol sa responsableng pangangalaga ng mga alagang hayop.

Samantala, ipinahayag ni DoH 12 Regional Director, Dr. Francisco Mateo na hindi dapat balewalain ang kagat ng hayop dahilan sa wala umanong gamot ang rabis.

comments