HAPPY si Solenn Heussaff sa role niya sa “Mumbai Love.” Wholesome ang karakter niya bilang Ella at pinabata ang itsura niya.
“Kaya ko rin palang maging bata. I’m excited about this movie. Fun to watch. Learning experience for everyone dahil ipapakita ang culture and heritage ng India. This movie is dear to my heart dahil first time na cute role ako. Hindi na malandi (laughs),” sabi ni Solenn sa presscon.
Dream come true sa Fil-French actress na nakapunta siya sa India. Matagal na niyang gustong makarating doon. “I auditioned for the role and I’m happy to get it. I did my best. I can relate to my character dahil happy person si Ella,” lahad ni Solenn.
Sa Mumbai, India sila nag-shoot for ten days. First solo lead role ito ni Solenn at aniya, thankful siya sa pagkakataong ibinigay sa kanya. Nag-enjoy siya doing this film dahil sa magandang rapport nila ng buong cast. Besides, nag-shoot pa sila sa magagandang scenic spots sa Mumbai. Also in the cast are Raymond Bagatsing, Martin Escudero, Jayson Gainza, Kiko Matos, among others. Produced by Capestone Pictures, distributed by Solar Entertainment Corporation.
Maingay na, matrapik pa
All praises kay Solenn Heussaff ang director-producer-co-writer na si Benito Bautista. Aniya, amazing, very professional, walang kiyeme at down-to-earth si Solenn. “I’d love to work with her again,” ani direk Benito.
Modern-day love story ang “Mumbai Love” at ayon kay direk Benito, nahirapan silang mag-shoot sa Mumbai dahil kahit saang lugar sila magpunta ay maingay, bukod pa sa masyadong matrapik. But then, naitawid naman nila nang maayos ang mga eksenang kinunan.
Direk Benito travels back and forth from California, USA to the Philippines para makipag-collaborate sa paggawa ng pelikula. Nakapagtrabaho siya sa iba’t ibang independent film productions sa US at sa Manila, tulad ng “Milk,” ni direk Gus Van Sant na nominated sa Oscars. Tampok dito sina Sean Penn at James Franco.
Dinirek ni Benito ang award-winning documentary film, “The Gift of Barong: A Journey from Within” na bahagi ngayon ng Standford Program for International Cultural Education (SPICE) ng Standford University. Ang kanyang first feature narrative film, “Boundary” ay nanalong NETPAC Best Film sa 2011 Cinemalaya Independent Film Festival. Nanalo rin ito ng Grand Jury Award for Best Feature sa 2012 Guam International Film Festival at best director nominee sa 2012 Gawad Urian Awards.
Si Benito ang director ng internationally acclaimed documentary film, “Harana,” na nanalo ng Audience Awards sa 2012 Hawaii International Film Festival. Ipinalabas din ito sa 2012 Busan International Film Festival.
Pinarangalan din si Benito ng Indie Bravo Award in 2012 ng “Philippine Daily Inquirer” para sa mga internationally acclaimed movies na ginawa niya.