Kumpirmadong ang pugot na ulo ng babae na natagpuan malapit sa isang creek sa Makati City at ang katawan na nakuha sa Bulacan ay sa iisang tao lamang, base sa DNA (deoxyribonucleic acid) test na isinagawa sa mga labi.
Sinabi ni Senior Superindent Joel Orduna, Southern Police District (SPD) deputy director for administration, na ang DNA specimen mula sa labi ni Richelle Sagang, 17, ay tumugma rin sa sampales ng kaniyang amang si Noel Sagang.
“The head that was recovered from Bulacan is indeed that of Richelle based from the DNA test conducted by Bulacan and Makati City Police,” said Orduna.
Si Richelle ay isang househelper sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City.
Sinabi ni Orduna na ang katawan ni Richelle ay ililipat sa Makati City habang inihahanda ng police ang mga ebidensiya na gagamitin sa pagsasampa ng kaso laban sa tatlong taong may kinalaman sa pagkamatay ng biktima.
“We have yet to conduct a meeting regarding actions to be taken. We are thinking of pursuing a case against the employer but we are still collecting our evidences,” sabi ni Orduna. (Anna Liza Villas-Alavaren)