HUMIWALAY na rin si Vin Abrenica ng tirahan sa kanyang parents at siblings. Sa isang condominium unit siya nakatira since August last year.
Ipinagtanggol ni Vin ang kanyang kuya Aljur sa bashers nito kaugnay ng pregnancy issue kay Kylie Padilla. Ani Vin, huwag nang pakialaman ang dalawa dahil masaya ang mga ito na magkakaroon na ng baby. Unfair daw na nadadamay ito dahil wala naman itong kamuang-muang.
“Blessing ang baby at nasa right age na sila para maging parents,” wika ni Vin nang nakausap ng entertainment writers sa presscon ng “Moonlight over Baler.”
Kasama niya rito ang ex-girlfriend niyang si Sophie Albert.
Friends pa rin sila, ani Vin. Wala raw silang pinag-awayan nu’ng nag-break sila. Mutual decision nila ’yon dahil gusto nilang mag-focus muna sa kanilang respective careers.
Ani Vin, open siya for a possible reconciliation.
In “Moonlight over Baler,” he plays Nestor/Kenji. As Kenji, isa siyang Japanese photo journalist and as Nestor, isa siyang sundalong pakakasalan sana ni Fidela (Elizabeth Oropesa) in the 1940s. Subalit bigla nalang siyang nawala.
Set in the summer of 1986 sa Baler, Quezon, napadpad doon si Kenji at nakilala ang 65-year-old na si Fidela.
Napalapit ito sa kanya dahil kamukha niya ang sundalong boyfriend nitong si Nestor.
Na-burn out
Si Sophie Albert ang gumanap bilang young Fidela sa “Moonlight over Baler.” Aniya, magku-quit na sana siya sa showbiz. Nag-dalawang-isip pa nga siya kung tatanggapin ang movie.
“Na-burn out kasi ako sa showbiz. Feeling ko, this is not for me. Nag-aral ako ng pagme-make-up dahil gusto kong maging make-up artist. Dumating ang offer to do this movie. Nag-enjoy naman ako. Hopefully, magtuluy-tuloy na ako sa showbiz,” saad ni Sophie.
Hindi niya isinasara ang posibilidad na magkabalikan sila ni Vin Abrenica. Three years silang together at ani Sophie, ’andun pa rin ang care niya kay Vin. “Only time can tell kung magkakabalikan kami,” ani Sophie.
Tampok din sa “Moonlight over Baler” sina Elizabeth Oropesa, Daria Ramirez, Abel Estanislao, atbp. Produced by T-Rex Entertainment, directed by Gil Portes, and written by Eric Ramos. Showing on Feb. 8 sa mga sinehan nationwide.