Tempo
  • News
  • Opinion
  • Entertainment
  • Sports
No Result
View All Result
  • News
  • Opinion
  • Entertainment
  • Sports
No Result
View All Result
Tempo
No Result
View All Result
Home News News Roundup New Roundup Regional

Lalaki, nag-amok matapos ma-basted

Tempo Online by Tempo Online
February 15, 2018
in Regional
0

IBAAN, Batangas – Kalaboso ang isang 40-anyos na lalaki rito ng magwala ito at makasaksak ng isang paslit matapos ma-basted ng kanyang ini-irog, Martes.

Kinilala ni Senior Police Officer 1 Lester Delgado ng Ibaan Police ang suspek na si Pablito Perez.

Ayon sa imbestigasyon, nagyari ang krimen pasado alas-4 ng hapon sa bahay ng biktima kung saan lasing na sinugod diumano ni Perez ang kanyang nililigawan na si Ma-Ann Narciso.

Pinipilit diumano nitong kumbinsehin si Narciso na magbago ang isip at subukan ang kanyang inaalok na pagmamahal.

Ng hindi nakuha ang gusto, sinuntok ni Perez sa ulo si Narciso na dagli namang nakatakbo.

Sa kalituhan, nakalimutan ni Narcisong bitbitin ang biktima na si Yukarie Anne Dimatera, na siya namang pinagbalingan ng suspek.

Sinaksak ni Perez sa ulo at braso ang bata bago tumakas.

Nasakote siya ng pulis di kalaunan habang nagtatago sa sariling bahay.

Ani Perez nagdilim ang paningin niya ng sabihin ni Narciso na may iba siyang napupusuan.

Samatala, kasalukuyang nagpapagaling sa Batangas Medical Center si Dimatera.

Tags: Pablito Perez
Previous Post

Another cop killer on the loose

Next Post

Don’t rush your decision

Next Post

Don't rush your decision

ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
  • News
  • Opinion
  • Entertainment
  • Sports

© 2025 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • News
  • Opinion
  • Entertainment
  • Sports

© 2025 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.