By DANTE ‘DANZ’ A. LAGANA
MINSANG nakasabay ng ating source ang tinagurian noon na malditang aktres sa isang pampublikong pampasahero. Hindi inaakala ng source na nag-cocommute si aktres during that time na parehong galing sa bandang south.
Malamang na ang aktres daw iyon at lalong natumbok ng source na siya nga raw ito nang malaman niyang sa bandang south nga nakatira ang aktres na noo’y nakashades para hindi makilala. Kasama raw niya nung mga oras na iyon ang kanyang dakilang alalay na bitbit ang mga gamit ng aktres.
Naawa ang source sa alalay ng aktres dahil hindi raw ito pinaupo sa kanyang tabi at hinayaan niyang may ibang pasahero na tumabi sa kanya habang tila ngalay na ang alalay sa katatayo. Magaling umarte ang aktres na ito mapapelikula o mapateleserye lalo na bilang kontrabida.
Samantala, may source na nagbulong sa TEMPO tungkol sa isang gay manager (GM) na mabilis inalis ang kanyang baguhang artistahin look na talent sa kanyang poder.
Ang kuwento, tinatawagan daw ng gay manager ang kanyang alaga sa cellphone para sabihin na may pa-audition daw. Pero sa kadahilanang hindi raw kaagad sumagot sa tawag ang baguhang talent, nabwisit at pinag-goodbye na lang daw agad agad ang alaga ng GM.
Ang totoo raw kaya hindi kaagad nakasagot sa tawag ang talent ay dahil kasalukuyang nasa school daw ito.