By Rowena Agilada
SUPER proud si Rayver Cruz sa sexy photos ni Janine Gutierrez sa isang glossy magazine. Si Janine ang cover girl na talaga namang super hot ang dating niya.
Ipinost ni Rayver sa socmed ang sexy photos ni Janine. Thankful ang Kapuso actress na siya ang napiling maging cover girl ng naturang glossy magazine. Nag-enjoy siya sa photo shoot dahil sa beach kinunan. Beach lover kasi siya.
Kinarir ni Janine ang pag-wo-workout at pagda-diet para ma-achieve ang beach body. No carbo, more protein ang food intake niya.
Ani Janine, hindi niya alam kung ano’ng magiging reaction ng kanyang papa (Ramon Christopher) at nahihiya siya.
Natuwa siya nang mag-post ito ng kanyang sexy photos sa socmed.
Tungkol sa estado ng relasyon nila ni Rayver, nasa dating stage pa rin sila, ani Janine. Enjoy-enjoy lang sila sa company ng isa’t isa.
Napag-uusapan na
Five years from now, nakikita ni Matteo Guidicelli ang sarili niya na married na with kids. Napag-uusapan na nila ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo ang kasal, sabi ni Matteo sa “Tonight with Boy Abunda.”
By that time, 35 years old na si Sarah. She’s turning 30 in July this year. Two years older siya kay Matteo. Going strong ang relasyon nila at happy sila, ani Matteo.
Kapuso na?
Kapuso na nga ba si John Estrada? Balitang kasama siya sa upcoming show ni Alden Richards, “Mitho” na pamamahalaan ni direk Dominic Zapata.
Tipong fantaserye ito kung saan makakasama ni Alden ang ilang mahuhusay na Kapuso stars. Big project ito ng GMA7 at bilang paghahanda sa gagampanang karakter ng Pambansang Bae, mag-gi-gym siya para magpalaki ng kanyang katawan.
Kontrabida
Special participation lang si Mark Herras sa “Contessa” at mapapatay agad ang karakter niya. Pero sa “The Cure” kung saan makakasama niya si Jennylyn Mercado ay malaki at challenging ang role ni Mark.
Personal request niya na kontrabida role ang ibigay sa kanya. Challenge raw ‘yun sa sarili niya. “Parati na lang mabait ang karakter ko sa mga nagawa kong teleserye. Maiba naman ngayon,” Mark said.
Wala naman siyang masabi sa balitang diumano’y lilipat sa ABS-CBN ang girlfriend niyang si Teresita “Winwyn” Marquez.
Nag-expire na ang kontrata nito sa GMA7. Ani Mark, kung anuman ang maging desisyon ni Winwyn, susuportahan niya.