PANIQUI, Tarlac – Patay ang security guard ng isang bangko rito Linggo, tatlong araw makaraang barilin nito ang sarili gamit ang kanyang service firearm.
Kinilala ng pulis ang nasawi na si Ruben Soriano, 43.
Ayon sa imbestigasyon, nagbaril si Soriano sa sentido gamit ang kanyang .9mm service firearm sa loob ng comfort room ng bangko na kanyang pinatratrabahuan, Huwebes.
Naitakbo pa ito sa ospital nguni’t binawian rin ito ng buhay makalipas ang tatlong araw.
Sa imbestigasyon, napagalaman matagal ng namomroblema ang sekyu sa diumano’y patong patong niyang utang sa mga kaopisina.
Dalawang araw bago maganap ang insidente, nag-padala ito ng text message sa asawa. Hindi na raw niya diumano kaya ang problema at maaring magpatiwakal na lamang siya.
Bukod sa asawa, inulila ni Soriano ang kanyang 18 at 15-anyos na mga anak.
Ani PO3 Augusto Simeon, may hawak ng kaso, 20 taon ng nagtratrabaho si Soriano bilang security guard. Malinis diumano ang record nito. (Mar T. Supnad)
I have witnessed that intelligent real estate agents all around you are Advertising and marketing. They are noticing that it’s in addition to placing a sign post in the front place. It’s really concerning building relationships with these suppliers who at some time will become buyers. So, if you give your time and effort to serving these retailers go it alone – the “Law involving Reciprocity” kicks in. Thanks for your blog post.