By Rowena Agilada
SOBRANG nalulungkot at nangungulila pa rin si Tom Rodriguez sa pumanaw niyang ama. Nakaka-relate nga siya sa role niya sa “The Cure” dahil ang ina niya na ginagampanan ni Irma Adlawan ay may pancreatic cancer.
Ang daddy ni Tom ay namatay naman sa lung cancer. Aniya, napagdaanan niya ang struggle ng isang anak na lumalaban para sa magulang niyang may cancer.
‘Yung eksena niya with Irma sa “The Cure” ay damang-dama niya, ayon kay Tom. Naalala niya ang yumao niyang ama na noong nabubuhay pa ito’y ipinangako niyang gagawin niya ang lahat para maging proud ito sa kanya.
Dedicated ni Tom sa kanyang daddy ang “The Cure” na mapapanood simula April 30 sa GMA Telebabad.
Samantala, nagbakasyon sa Japan si Tom kasama ang girlfriend niyang si Carla Abellana.
Kinaiinggitan
Ini-reveal ng fast-rising Kapuso star na si Kyline Alcantara ang mga bagay na hindi pa alam tungkol sa kanya. Aniya, takot siya sa pusa. Mahilig siyang manood ng crime documents. Mabilis siyang magkaroon ng malalaking peklat.
Cheese lover siya. Hindi siya gumigising na nakadepende sa alarm clock. Mahilig siya sa sunflowers.
How true, may ilang Kapuso stars ang diumano’y kinaiinggitan at nai-insecure kay Kyline? Magaling kasi siyang umarte at napansin ‘yun sa pagganap niya bilang Cheska/Crisan sa “Kambal Karibal.” May mga nagsasabi pang nakakabog ni Kyline si Bianca Umali sa aktingan. Bida o kontrabida role ang ibigay kay Kyline, carry niya.
Fifteen years old lang si Kyline at malayo pa ang mararating niya bilang isang artista. Push pa more!
By choice
By choice ang pagiging single niya, ayon kay Shaina Magdayao. Consistent siya sa pagsasabing friends lang sila ni Piolo Pascual. No more, no less.
Si John Lloyd Cruz ang huling naging boyfriend ni Shaina. Since they broke-up, wala pang nakarelasyong ibang guy si Shaina. Naka-move on na siya, pero for now, hindi niya priority ang magka-lovelife.
Mas tutok siya sa kanyang career at mga negosyo. May mga paupahan siyang apartments at iba pang negosyo.
Single rin
Single rin ang ate Vina Morales ni Shaina Magdayao. Isang foreigner ang huling naging boyfriend ni Vina. Single mother siya sa kanyang nine-year old daughter na si Ceana.
Tulad ni Shaina, may business din si Vina. Maraming branches nationwide ang kanyang beauty salon, Ystilo.
82447 492610All you need to have to know about News information to you. 8771
417967 5677The write-up posted was extremely informative and valuable. You individuals are doing a terrific job. Maintain going. 882571
658119 72266extremely good publish, i surely love this internet site, carry on it 242897
2538 176069Hello! I would wish to supply a large thumbs up for your superb info you can have here about this post. Ill be coming back to your blog website for further soon. 891508
267198 650453Oh my goodness! a great post dude. Thanks However My business is experiencing problem with ur rss . Do not know why Struggling to join it. Is there anybody finding identical rss problem? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 220576