By Anthony Giron
GENERAL TRIAS CITY, Cavite – Patay ang isang 68-anyos na magsasaka rito Huwebes makaraang pagbabarilin ito ng sarili niyang anak.
Ayon sa pulisya, namatay ang biktimang kinilalang si Glicirio Basalo Montilla, dahil sa tama ng bala sa ulo at dibdib.
Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Johnny Montilla, 33.
Away sa lupa ang pinagmulan ng alitan ng dalawa.
Diumano’y hindi nagustuhan ng batang Montilla ang desisyon ng ama na ibenta ang lupa nito sa Bacolod.
Ayon sa suspek napilitan siyang barilin ang ama ng dumampot ito ng kutsilyo sa gitna ng kanilang pagtatalo.