By Johnny Decena
MEDYO naging masalimuot sa ating karerahan lately sa iba’t ibang kadahilan pero malalampasan din natin yan in due time.
Bumulaga ang long shot Expensive sa Race 2 at naging dahilan upang ang mga events na nasasakupan nito ay nagsibunga ng magagandang dibidendo sa iba’t ibang events na nasasakupan nito.
Ang Winner-Take-All ay nagbigay ng malaking premyong (Race 1 to 7) P292,394.40 at ang Pick-6 (R2-7) naman ay may premyong R50,801.80.
Nagsipanalo rito kahapon from Race 1 to 7, ayon sa pagkakasunod-sunod, ay ang Oh Neng, Expensive, Ok Mister Bond, Radian Talisman, Casino Royale, Toscana at Bispag or Combinations 1-7-1-1-4-4-80.
Ang Pentafecta sa Race 2 ay may premyong R20,843,60 sa nagtambalang Expensive, Gunga Din, Jazz Goldheart, Wessfacckol at Prince Kuntil or combinations 7-8-4-3-2.
Balik Metro Turf tayo this weekend. May 10 races tayo ngayong araw at 12 naman bukas, kasama ang 11 Philracom-RHS Races.
Sa paglipat naman ng mga karera sa San Lazaro sa July 15 ay itatanghal naman ang 3rd leg ng local 4YO and Above Stakes Race kung saan nominado magsitakbo ang Brilliance, Greatwall, Hiway One, Salt And Pepper, Scarborough Shoal, Sepfourteen at Sky Hook.
So there and see you guys at our usual Samson’s Billiard and/or Obet dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick, Cainta… Good luck!!!