NAGSALITA na ang ex-girlfriend ni Arjo Atayde na si Sammie RimanĀdo tungkol sa namuong relasyon ng kanĀyang ex-boyfriend kay Maine Mendoza.
Noong November 2018 pa raw nagtapos ang relasyon nila ni Arjo. Kaya noong ma-link na raw si Arjo kay Maine noong ginagawa nila ang pelikulang āJack Em Popoy…ā wala na raw silang relasyon.
Masaya daw ito para sa aktor.
āAyoko sanang magbigay ng comĀmentā¦ Hindi naman sa wala akong connection, but itās their personal life. Basta masaya ako kasi masaya siya,ā sey ni Sammie.
Nakatulong din daw na single ngayon si Sammie dahil mas makaĀka-focus na ito sa kanyang showbiz career. Member si Sammie ng girl group na GirlĀTrends na napaĀpanood sa āItās ShowĀtime.ā
āSangayon, ayoko muna, magpo-focus muna ako sa career since yun din ang napag-usapan namin. Masaya ako ngayon kasi mas nagagawa ko ang mga bagay-bagay, mas marami akong nalalaan na time sa career ko,ā pagtapos pa ni Sammie. (RUEL J. MENDOZA)