MARAMI ang nagulat sa inasta ng sikat na beauty queen kamakailan sa Ninoy Aquino International Airport.
Diumano’y nagtaray ito sa mga empleyado roon na humingi ng pagkakataon na makasama siya for a photo op.
Ang sagot daw nito sa mga nag-request: “Not now.”
Take note, seryoso daw ang mukha ni ateng ng tinuran ito.
Okay lang din sana sa mga employees ito, kasi feeling nila may-i-catch-my-breath lang ang drama ng hitad.
Ang siste, hindi na raw sila binalikan nito hanggang sa tuluyan nang umalis.
Wow, huh?
Pagod kaya siya? Bad mood?
Kilala ang beauty queen na ito na ubod ng bait at sweet, lalo na nung kapapanalo pa lang niya.
Ano kaya ang nangyari?
Hindi tuloy mapigilan ng iba na ikumpara siya sa isang dating beauty queen na kahit napalitan na sa trono eh, ang bait-bait pa rin at mapagbigay sa mga fans na gustong magpakuha sa kanya.
Hay naku, did success change this woman?
Pakibaba nga ng kilay ko! (DELIA CUARESMA)