GAANO kaya katotoo ang tsismis na alak diumano ang dahilan sa usaping hiwalayan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna?
Ang siste daw kasi hindi matigil itong si JLC sa pagiinom, something na inayawan na ni Ellen mula nang maging ina sa kanilang anak na si Elias Modesto.
Ayon sa isang report, matagal na daw hiwalay ang dalawa, kahit noong hindi pa isinisilang ang kanilang anak.
Si Ellen daw ang umayaw dahil “Too weird” daw si JLC.
Tipong ayaw daw magbago nito kahit para man lang sa kanilang anak.
Talaga ba?
Well, wala pa rin namang kumpirmasyon kung naghiwalay na nga ang dalawa.
As usual, dedma sila sa panguusisa ng media.
Pero, take note, hindi kasama ni Ellen si John Lloyd nang bumiyahe ito kelan lang patungong Thailand kasama ang aktres na si Beauty Gonzales at iba pang barkada.
Hmm, pruweba na ba ito? (DELIA CUARESMA)