DUMARAMI ang mga artistang gustong manilbihan sa bansa.
Ito nga at dumagdag pa ang aktor na si Rocco Nacino sa lumalaking hanay ng mga artista na nais magÂsilbi bilang reservist.
Diuamano’y na-inspire si Rocco magpa-enlist makaraan ma-expeÂrience nito mag-training with the Armed Forces of the PhilipÂpines (AFP), para sa kanÂyang upcoming series na “Descendants of the Sun.”
“AFP made me reaÂlise how I can conÂtribute to the country by being a reservist for the Philippine Navy. This is an exciting year for me,” aniya.
Umaasa ang aktor na magagamit niya ang kanyang pagiging nurse sa bagong yugto ng kanÂyang buhay.
SiÂyemÂpre pa, gusto raw niÂyang maging inspirasyon sa mga kabataan.
Laking pasalamat niya rin sa GMA-7 sa suporta nito.
“I am glad that [GMA Network] is very supportive of this new journey of mine. Training videos will be coming soon,” aniya.
Maliban kay Rocco, nauna na ang mga aktor na sina Matteo Guidicelli at Gerald Anderson na mag enÂlist as reservists.
Napabalita na rin ang pagpaÂpa-enlist nina Cesar Montano at Diether Ocampo.
Gusto rin daw magpa-enlist ni Robin Padilla.
Sino pa kaya ang susunod? (DELIA CUARESMA)