NA-MISS ba ninyo si Jim Paredes?
Well, huwag nang malungkot at nagbabalik na siya.
Yes, nag-ingay muli sa social media ang batikang singer at kompositor ilang buwan pagkatapos manahimik ng dahil na rin sa viral video niya na nagma-maryang palad.
Ang bagong target niya? Ang GMA-7.
Ang siste, mukhang hindi natuwa si Jim sa balita na kukuhanin ng istasyon ang serbisyo ng very lovable din (tanungin mo pa si Lani Mercado, Chos!) na aktor-senator na si Bong Revilla Jr.
Sabi niya, “PERA PERA PERA lahat. Ok Lang sa inyo na ma-ging role model siya ng kabataan? C’mon GMA. You can do better than this.”
Dagdag pa niya, “Why would a franchise ALLOW this? That is the bigger question. They have social and corporate responsibilities. Their airwaves belong to the Filipino people.”
Siyempre pa, nakapukaw pansin ito sa ilang netizens.
Ang iba, kampi at sang-ayon kay Jim.
Naalala pa nga ng ilan ang pagkakasangkot ni Bong sa PDAF scam.
Pero may ilan na natawa lang dito.
Inasar pa ang Apo Hiking Society ringleader dahil na rin sa video scandal niya.
Hay naku. (DELIA CUARESMA)