KASADO na ang pelikulang pagtatambalan for the first time nina Coco Martin at Angelica Panganiban. “Love or Money” ang working title na si Mae Cruz-Alviar ang director.
Susubukang maihabol ito for Valentine’s Day offering ng Star Cinema. Nagkatrabaho na sina Coco at Angelica sa “Ang Probinsiyano” kung saan one-month nag-guest si Angelica.
Siyempre, iba kung sa pelikula sila magkakatrabaho, kaya kapuwa excited sina Coco at Angelica na makapagsimula na sila mag-shoot ng kanilang movie. Rom-Com ito na inaasahang susuportahan ng moviegoers ang bagong kumbinasyong Coco at Angelica.
BAGAY DIN
First time magkakatrabaho nina Gabby Concepcion at Marian Rivera sa upcoming serye ng GMA7, ang “First Yaya.” Sa March 2020 daw ang airing nito. Ginawa na ang plug shoot nito a few days ago.
Maganda ang naging bunga ng pagkakabati ni Marian and her former manager na si Popoy Caritativo. Noong nagkaroon sila ng falling-out, hindi puwedeng makatrabaho ni Marian ang mga alagang talents ni Popoy.
Kabilang si Gabby sa mga alagang talents ni Popoy and because, okey na sila ni Marian, hayan at magkakatrabaho na sina Gabby at Marian.
In fairness, kahit 20 years ang age gap nina Gabby at Marian, bagay pa rin sila. Para kasing hindi tumatanda ang face ni Gabby at bagay pa rin siyang ipareha sa younger Kapuso actresses.
Nakapareha na niya sina Carla Abellana, Sunshine Dizon at Jennylyn Mercado.
DI TYPE?
NBSB (No Boyfriend Since Birth) si Miles Ocampo. At 20 something, hindi pa rin siya handang magka-BF. Sa isang interbyu kay McCoy de Leon, sinabi niyang gusto niyang maging girlfriend si Miles. Anang huli, friendship lang ang kaya niyang ibigay kay McCoy. O, hindi lang niya ito type?
Ani Miles, may mas mahahalagang bagay na kailangang pagtuunan niya ng pansin, kesa pagbo-boyfriend.
For now, career, studies at family ang priorities ni Miles. Never niyang inisip na mag-quit sa showbiz kahit naunahan na siya ng ibang kapanabayan niya. Naniniwala si Miles na sa tamang panahon ay darating din ang big break sa kanyang career.