ANIM na buwan na ang ipinagbubuntis ng aktres na si Max Collins, and boy nga ang magiging panganay nila ni Pancho Magno.
Very happy siyempre ang mag-asawa sa blessing na baby nila.
Pero nangangamba si Max dahil mainit pa rin ang COVID- 19 scare sa bansa at sa buong mundo.
Aminado siyang baka daw abutan pa ng “enhanced community quarantine” ang kanyang panganganak, pero aniya, “Huwag naman sana!”
Regular pa rin daw ang kanyang communication sa kanyang OB-gyne kahit limitado nga ang kilos ng dahil sa enhanced community quarantine.
“Nakakatakot na rin kasi ang magpunta ng hospital ngayon dahil sa current situation na ito, and we’re all praying na matapos na ito soon,” aniya.
“Mahirap sa kalagayan ko ngayon, pero I’m doing my best.”
Bukas raw siya sa posibilidad na manganak na lang sa loob ng kanyang tahanan.
“Risky kasi if I go pa to hosptial, kaya ang pinaghahandaan ko ay ang home birth.
I’ve been reading a lot of stuffs about home birth, although hindi pa naman sure ‘yun. We will see pa.
“Kailangan ko rin ng regular exerises kahit na stretching, dahil kailangang maging malakas ang katawan ko. My body still needs to be in good shape.
“Kasi, kung walang anesthesia (ang child birth), masakit ‘yun! So, kailangan ko to physically prepare myself,” ani Max.
Hangad namin ang safety at good health hindi lamang ni Max, Pancho at ng kanilang baby, kundi ng lahat.