BY REGGEE BONOAN
*
NAMUMRUBLEMA si Aiko MeĀlendez hindi para sa sarili kundi para sa mga kababayan nating kapos lalo na at extended ang Enhanced Community QuarĀantine.
Inamin ng aktres na hindi siya nakakatulog dahil dito.
āKasi nagi-isip ako kung paano pa maka-help sa mga needy, alam mo naman, laloāt na-extend ang ECQ. Paano na āyung mga no work, no pay? Sana marami mag donate para marami pa kami matulungan.ā
Aktibo si Aiko sa pagtulong sa frontliners sa ibaāt ibang hospitals at talagang hindi siya nahihiyang magsabi sa mga kaibigan niyang non-showbiz at showbiz for donations.
āYung PPEās nag-ask kami doĀnations sa mga kaibigan namin na artista at private sectors tulad nina Carmina (Villaroel-Legaspi), Gelli (de Belen), Pops (Fernandez), Katrina Halili, Ogie Diaz, etc.
Bukod doon ay namigay pa ng food packs sina Aiko kasama ang boyfriend niyang si Jay Khonghun, Vice Governor ng Zambales. Katulong daw nila dito ang mga senador na sina Bong Go, Bato dela Rosa at Cynthia Villar.
Siyempre pa, hindi rin nakaĀlimutan ni Aiko bigyang ayuda ang mga taga-media na no work, no pay.
Masaya ring nasabi ni Aiko na extended ang āPrimadonĀnasā at kakapirma lang niya ng extension contract.