BY RUEL MENDOZA
*
PINAKILIG nila Janine GutiĀerrez at Rayver Cruz ang kanilang fans nang i-upload ni Janine sa kanyang vlog ang guest appearance ni Rayver.
Gumawa ng Mukbang video ang dalawa at nagkaroon pa sila ng compatibility quiz para malaman kung gaano nila kakilala ang isaāt-isa. Kung sino ang matatalo ay pipitikin sa noo.
Heto ang ilang tanong:
Who is the pickier eater? Ayon kay Rayver, si Janine daw dahil hindi ito makapili ng kakainin nila kapag lumaĀlabas sila. Lagi raw si Rayver ang namimili kunsaan sila kakain at ano ang kakainin nila.
Who is always late? Si JanĀine din daw. Kapag wala raw itong trabaho at lalabas sila, mabagal daw itong kumilos. Pinakita pa ni Rayver kung paano mag-emote-emote si Janine sa harapan ng salaĀmin.
Where did you first meet? Pareho silang sumagot na sa Metro Manila Film Festival.
Where was you first date? Sinagot nilang pareho sa Lazy Bastard resto sa Makati. GusĀto raw sana ni Rayver ay isang romantic dinner, pero gusto lang daw ni JanĀine ay chill-chill lang sila kaya sa isang casual diner na lang sila nag-date.
Who said āI love youā first? Sagot ni Janine ay si Rayver. SuĀmangayon ang binata.