BY JUN NARDO
*
PATULOY ang pag-arangĀkada ng mga namemeke sa social media, huh!
Todo-arya pa rin sila sa paggamit ng mukha at pangalan ng mga kilalang artista sa pagbuo ng mga pekeng social media acĀcounts!
Ang latest victim? Si Alden Richards!
Yes, may pekeng Alden Richards sa Instagram.
Ito nga at agad nagbaĀbala ang Asiaās Multimedia Star sa kanyang Instagram stories at pinaalam sa kanyang followers na fake ang account na āyun.
Anyway, habang wala pang tapings, ang pagkakaroon ng live game streaming ang pinagĀkakaabalahan ni Alden para makapag-interact sa kanyang mga fans.
Ang isa pang celeb na pineke sa social media ay si Allan K.
Yes, may pekeng Allan K sa Facebook naman.
Sinabihan na ni Allan ang folĀlowers na tanging sa Instagram lamang siya may account.
NAGPAKITA NA!
Umapir na si Super Tekla sa āTutok to Win sa Wowowinā ni Willie Revillame.
Personal na humingi siya ng apology sa TV host at niliwanag ang pagkakawala niya sa āWowowinā as co-host noon.
Naging daan sa paghaĀharap ng dalawa ang misĀmong nagrekomenda sa kanya sa āWowowinā na si Donita Nose.
Tinanggap naman ni Willie ang sorry ng komedyante at nangakong magbibigay ng tuĀlong sa anak nito.