BY ROWENA AGILADA
Simple, pero puno ng kahuÂlugan ang birthday greeting ni Sarah Geronimo sa kanyang Daddy Delfin. Aniya, ang ama ang kanyang habangbuhay.
Hindi kaila sa lahat na mas malapit si Sarah sa kanyang Daddy Delfin.
Noong nagpakasal siya kay Matteo Guidicielli ay wala itong violent reaction. Tahimik lang nitong tinanggap ang desisyon ni Sarah na mag-asawa na.
Kailan naman kaya matatangÂgap ng kanyang Mommy Divine na may asawa na si Sarah?
Hindi kaya gumagawa ng paraan ang Daddy Delfin ni Sarah para magkaayos na silang mag-ina?
Suwerte sa isa’t isa sina MatÂteo at Sarah since naging mag-asawa sila. May bagong project na gagawin si Matteo, may mga bagong product endorsement naman si Sarah.
MISS NA
Ang bilis talaga ng panahon. Seven months old na ang baby nina Anne Curtis at Erwan HeusÂsaff na si Dahlia Amelie.
Ipinakita nila sa socmed na gumagapang, umuupo, naÂkakatayo na ito.
Pinapakain na din nila ito ng solid food.
Nasa Australia pa rin ang mag-anak at wish ni Anne na makabaÂlik na sila sa Pilipinas by DecemÂber. Gusto niyang dito mag-Pasko. Miss na raw niya ang friends niya sa Pilipinas. Gusto na rin niyang magbalik-trabaho.
Makabalik pa kaya si Anne sa “It’s Showtime?”
SUSUNOD?
May mga nag-akala na si Gerald Anderson ang Kapamilya actor na susundan si Julia Barretto sa bago nitong management company.
Umalis na si Julia sa Star Magic na dating namamahala sa kanÂyang career.
Mukhang hindi naman si GerÂald ang na-blind item na aktor na susundan si Julia.
May bagong gagawing show si Gerald sa Kapamilya Channel matapos ang “A Soldier’s Heart.”
By the way, open na ang Hayati Resort ni Gerald sa Botolan, ZamÂbales. Marami na ang nagpapa-book. Ipino-promote pa nga ito ni Julia.