BY ROWENA AGILADA
Hindi nag-propose si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun kay Aiko Melendez noong 45th birthday ng aktres gaya ng inÂaasahan.
Aniya sa kanyang YouTube vlog, hopefully, next year ang kanilang wedding.
Sa bahay lang ni Aiko siya nag-celebrate at non-showbiz friends niyang mga kapitbahay ang imbitado.
Siyempre, ‘andun si VG Jay na aniya, mahal na mahal niya si Aiko at hindi niya ito ipagpapalit kahit kanino.
Strong woman daw ito na kayÂang lampasan ang kahit ano pang pagsubok sa buhay. Wala raw kapantay si Aiko.
Unahan
Sino kaya sa mga engaged celebrity couples ang unang ikakasal ngayong 2021?
Nasa listahan sina Luis ManzaÂno at Jessy Mendiola, Angel LocÂsin at Neil Arce, Alex Gonzaga at Mikee Morada, Andi EigenÂmann at Philmar Alipayo, Morisette Amon at Dave Lamar, Kris Bernal at Perry Choy, Liz Uy at non-showbiz fiancé, RocÂco Nacino at Melissa Gohing and, who else pa ba?
Kailan naman kaya magiging engaged couples sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Carla Abellana, Rayver Cruz at Janine Gutierrez?
Live-in couple na sina Tom at Carla.
Kasal na lang ang kulang kina Dennis at Jennylyn na ewan kung nagli-live-in na rin sila.
Si Rayver, may sariling baÂhay na puwede na niyang doon itira si Janine kapag nagpakasal na sila.