Nag-renew ng kontrata si Rhian Ramos sa GMA Network kamakaiĀlan. Fifteen years na siya bilang Kapuso.
Ni-renew din ng network ang kontrata ni Glaiza de Castro. Bakit kaya si Kris Bernal hindi? Fifteen years din siya sa Kapuso at produkto pa ng āStarstruck.ā
Anyway, mukhang happy naĀman itong si Kris dahil malapit na silang ikasal ng Chinese fiance niyang si Perry Choi.
Panay ang pakikipag-meeting ni Kris sa mga taong involved sa kanilang kasal.
Di mahilig
āKaaliw ang vlog ni Alex GonĀzaga kung saan pinuntahan niya si Mayor Vico Sotto sa Pasig City Hall. Inilibot siya nito sa ibaāt ibang departamento doon.
Nalaman niya na kahit pala SatĀurday ay nagtatrabaho si Mayor at ang kanyang staff.
Ani Vico, bata pa siyaāy gusto na niya ng public service. Never daw siya nagka-interest pumasok sa āEat Bulaga.ā
Nang tanungin siya ni Alex kung may balak ba siyang tumakbo sa higher office, sagot ni Vico: āWala!ā
Nagbigay si Alex ng 8,000 tablets sa Pasig City, courtesy ng isang sponsor.
Ani Mayor Vico, 200 estudyante ang mabibigyan nito. Binigyan naman niya ng mga tsitsiryang āayudaā si Alex.