By JUN NARDO
Doble-doble ang excitement na nadarama ni Vilma Santos-Recto sa MMFF movie nila ni Christopher de Leon na “When I Met You In Tokyo.”
Una, balik-tamabalan sila ni Boyet na ilang taon ding napahinga mula sa una nilang pagtatambal sa movie na “Tag-Ulan sa Tag-Araw.”
E ang project ding ito ang nasagutan niyang gawin dahil sa iba ito sa pangkaraniwang nagawa na niya!
Sabihin mang choosy si Ate Vi, entitled naman siya dahil sa kanyang status.
Nakadagdag din s excitement ng Star For All Seasons na naging director din ng movie si Boyet.
Iba ang estilo ni Boyet bilang director at humanga si Ate Vi sa husay niya.
Another factor ay ang taunang MMFF parade!
“Ang sarap makita ang crowd na ngumingiti habang pumaarada ka. Siguradong sasama ako sa Parade of Stars,” pahayag ni Ate Vi na umiikot na rin sa mga TV show to promote the film.
So, sa December 25, unahin ang kakaibang love story sa “When I Met You in Tokyo” dahil love knows no boundaries and age!
Tuloy pa rin!
Tuloy pa rin pala ang iringan ng dalawang male singers na produkto ng singing search.
Si singer A ay medyo malamya kumilos kaya pinagdududahan ang sexual preference niya kahit na nga may sinusuyo siyang young actress.
Maangas naman si singer B. Kahit medyo malusog, guwapo at magaling kumanta.
Umaarte na rin sila kapwa.
E may nakaisip na pagsamahin ang dalawa sa isang project.
Una munang sinabihan ang maangas na singer. Agad itong tumanggi at nagsabing, “Ano gagawin namin? Ayoko ng may ka-loveteam!”
Ay, may duda rin pala si singer B kay singer A!