BY DELIA CUARESMA
Naku po!
Umamin na si Ara Mina na totoong lumalabas nga sila ni Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez.
Dating-dating daw ang estado nila ayon sa 41-year-old single mother.
Ay sus! Parang mga teenager, huh!
Ani Ara sa isang artikulo na lumabas sa PEP.Ph, “I think walang masama mag-entertain ako. I’m single and he’s single.”
Nagustuhan raw niya si Dave dahil “matiyaga” ito.
Sa pagkaka-describe niya pa dito: “Masipag na tao, mabait, simple, at higit sa lahat napakatiyagang tao.”
Talaga ba?
Matatandaang naging laman ng mga tabloid ang dalawa two years ago, matapos mapagbintangan si Ara na dahilan ng paghihiwalay ni Dave at ng dati nitong fiancée, ang former member ng Cinema Evaluation Board na si Rina Navarro.
Yun na!