By MELL T. NAVARRO
Kay laking suwerte ng baguhang young actress na si Jhassy Busran dahil may launching movie na siyang “Unspoken Letters” isang drama mula sa Utmost Creatives, na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula December 13, Miyerkules.
Dream come true para kay Jhassy na magbida sa isang pelikula at makasama ang mga bigating pangalan sa industriya tulad nina Tonton Gutierrez, Gladys Reyes, Glydel Mercado, Simon Ibarra, Matet De Leon, Daria Ramirez.
Kasama rin sa cast sina Orlando Sol at ang guwapong newcomer na si MJ Manuel.
Challenge rin para sa kanya ang gampanan ang character ng isang 17-year old na may intellectual disorder pero ang mental capacity ay 7 years old at ina-idolize niya ang kanyang mga nakakatandang kapatid.
Ano ba ang mensaheng nais iparating ng istorya ng “Unspoken Letters” sa mga moviegoers?
“Yung karakter ko po na si Felipa ay special child. So parang yun po yung gusto naming iparating din sa mga manonood.
“Especially sa mga taong may katulad po ni Felipa. Na hindi porke ganun ka ay hindi ka na maa-appreciate ng family mo, or ng ibang tao.
“Gusto po naming iparating sa kanila na hindi kabawasan ng pagkatao mo yung meron ka, na parang kaya kang mahalin ng ibang tao, kaya ka nilang ma-appreciate kung ano ka man,” kuwento ng baguhang aktres.
“Kahit alam n’yo na ganoon ang eksena, magugulat ka pa rin, pero parang nangibabaw po sa akin ‘yung proud sa sarili ko na nasampal ako ng isang Gladys Reyes.
“Namula talaga itong mukha ko tapos bumakat talaga ‘yung kamay na isinampal niya. Pero masaya po ako kasi nagawa kong mabuti iyong eksena na kasama si Ms Gladys,” saad ni Jhassy.
Ayon pa sa newcomer, “Kuwento rin ito ng isang pamilya. Meron meaning yung kuwento. May matutunan ka about handling a special child at kung paano ka makisama sa pamilya mo.”
Taong 2021, sa gitna ng pandemic, ang pagsisimula ng career ni Jhassy na nasubaybayan namin.
Nakalabas na siya sa tatlong full length films: “Caught In The Act” ni Direk Perry Escaño, “Genius Teens” ni Direk Paolo Bertola, at “Home I Found In You” ni Direk Gabby Ramos.
Si Direk Gabby rin ang kanyang naging direktor niya sa “Roommate” na isang hit Facebook series at sa “Pugon” na naging nominado bilang Best Short Film sa PMPC Star Awards for Movies.
Sa said award-giving body rin na-nominate si Jhassy bilang Best New Actress for “Caught In The Act”, pero sa “Pugon” ay nag-win si Jhassy ng Best Performance by an Actress at the Manhattan Film Festival New York.